Thursday, January 5, 2012

MANILA KINGPIN “The Asiong Salonga Story”

Directed By: Tikoy Aguiluz





Ano nga ba ang kingpin? Sa pag kakaalam ko, marami ang kahulugan ng kingpin, pero dalawa dito ay alam ko. Sa tao at yung tinatawag sa bowling. Yung mga bowling pins na nakahelera pa tatsulok sa dulo atsaka patatamaan ng bola. Ang kingpin doon ay yung pinaka una or head of the bowling pins. Pag siya ang natumba maaring tumba na ang lahat kaya naman siya ang tinatawag na head. At kung isasa tao ang kahulugan ng kingpin, siya ay yung pinaka importante sa isang grupo o organisasyon.  At iyon si Asiong Salonga, ang tinatawag na hari ng Tondo. 


Hindi ko alam ang tungkol kay Asiong Salonga, actually never heard sakin ang pangalan na ito. Kaya naman curious ako bago ko panoorin ang pelikulang ito. Hindi ako fan ng mga action movies local man or international, wala kasi akong hilig sa ganitong genre ng pelikula. Pero dahil sa daming awards na nahakot ng pelikulang ito, medyo nexcite akong panoorin. 

Ang mga awards na nakuha nila ay:
  1. Best Picture 
  2. Best Director 
  3. Best Supporting Actor 
  4. Best Screenplay 
  5. Gatpuno Villegas Cultural Award 
  6. Best Cinematography 
  7. Best Original Theme Song 
  8. Best Musical Score 
  9. Best Sound Recording 
  10. Best Editing 
  11. Best Production Design 


Sa tingin ko deserve naman nila ang lahat ng awards na nakuha nila. Pero sa dami nito halos lahat ng taong nanood at manonood palang ay nag nageexpect at nag expect na sobrang ganda ang movie na ito. Technically maganda talaga, sa cinematography palang, dahil luma ang setting nila ginamit din nila ang kulay na puti at itim sa buong pelikula. Ang kagandahan dito kahit na b&w ang kulay na ginamit nila, maganda ang kinalabasan nito. Very sharp yung mga kuha. Hindi ko lang alam kung sadya o style ba yung pag shake ng cam paminsan. Siguro dahil old style since ganoon naman dati kaya shaky. Humanga ako sa mga effects nila, especially yung scene na may smoke ng sigarilyo, talsik ng tubig pati na rin ung mga lighting nila na gamit ay sunlight. At talagang nakakadala yung mga sound effects, lalo na sa mga putok ng baril, talagang yung bawat tunog ay buong buo kaya naman nakakapukaw din ng atensyon. Nagustuhan ko ang character ni Asiong dito o yung gumanap bilang si Asiong. Dahil magaling ang pag kaka arte niya para saakin, yung tindig niya, yung pag bitaw niya ng mga salita, yung gestures niya ay bagay na bagay bilang isang kingpin ng tondo. Ganoon din ang iba pa niyang kasama katulad ni Baron Geisler bilang si Erning, nainis ako sakanya dahil hindi siya tapat sa grupo niya. Nainis ako kaya naman masasabing effective din ang pag arte niya dahil bilang isang manonood naapektuhan ako. Maganda, maayos at magaling ang karamihan sa pag gagawa ng pelikulang ito ngunit may isa akong hindi nagustuhan. Yon ay ang pag kakalapat ng istorya. Hindi maayos ang facing ng story kaya naman parang magulo kung papanoorin. Para saakin hindi magaling ang gumawa ng storyline nito. Pero bukod doon maganda naman ang lahat.

Wednesday, January 4, 2012

SEGUNDA MANO

Directed By: Joyce Bernal





Nagumpisa ang story na ito sa mag asawang si Ivan at Mariella. Kung saan pinakita dito nainiwan ni Mariella si Ivan. At doon pumasok si Mabel sa istorya na nakilala ni Ivan. Sa kabilang banda, si Mabel ay isang simpleng babae na may ari ng shop na ang binebenta ay yung mga antigo na gamit. Ganun din ang kanyang kaibigan, mga girly stuff na second hand naman ang binebenta. Nung nagkakilala si Mabel at Ivan sa di kalatagalan ay nagkaroon sila ng relasyon. Si Ivan ay may isang anak na babae kay Mariella. Hindi gusto ng bata o si Angel na anak ni Ivan si Mabel, dahil bata pa, ang hinahanap ay yung tunay nyang ina. Hindi alam ni Mabel kung anong nangyari sa asawa ni Ivan, dahil ayaw nya itong pag usapan. Sa di katagalan, nadiskobre ni Mabel na si Mariella ay patay na. At nagmumulto ito sa kanila. Hanggang sa bahay nila. Dahil yung nabiling bag at dress ni Mabel ay kay Mariella pala. Dahil dito ninais ng makipag hiwalay ni Mabel kay Ivan dahil hindi sila tinatantanan ni Mariella. Pati ang sasakyan na nabili ng kaibigan ni Mabel ay kay Mariella pala. Kaya’t minaneho ito ni Mabel at dinala sya ng nagmumultong si Mariella sa tabing ilog, kung saan nakita nya ang nangyari sa kanila ni Ivan. Si Mariella ay may karelasyong lalaki at nakita ito ni Ivan kaya’t pinatay niya ang lalaki kasunod si Mariella. Natakot si Mabel sa kanyang nakita ng biglang tumawag si Ivan at sinabing nasa bahay na niya ang nanay ni Mabel. Agad siyang pumunta sa bahay ni Ivan, at dito na nagyari na papatayin na ni Ivan si Mabel at ang kanyang ina. Mabuti na lamang at tinulungan sila ni Mariella at doon namatay si Ivan. Pinakita na rin dito na si Mariella pala ay ang nalunod na kapatid ni Mabel dati na sa Marie.


ABOUT THE STORY

Nagtataka ako kung bakit walang nakuhang award ang segunda mano, kasi for me, maganda ang story. Hindi ito basta bastang nilahad dahil maganda ang pagkakalapat ng story. Kasi maraming flash back na naka gulo sa isip ng mga manonood. Flash back kay Mariella, flash back ni Ivan kaya sya naging ganoon ka obsessed at nagkaroon sya ng trauma. Flash back sa kapatid ni Mabel na si Marie noon. Marami at maganda dito hindi agad agad nahulaan ng mga tao kung ano yung magiging ending.


CHARACTERS



Mabel - Ginanapan na role ni Kris Aquino. Una hindi ako masyado napahanga sa character ni Kris dito, kasi napaka plain at simple nya na parang pale yung dating nya para saakin. Parang hindi ako sanay kasi every time na nakikita ko sya sa tv, full make-up, accessories, high heels, at magandang dress ang madalas nyang soot. And the way she speal, medyo maarte at may katarayan. Ibang iba sakanya yung character nya dito pero ganun pa man, napanindigan niya naman ito hanggang sa huli.





Ivan - O si Dingdong Dantes. Hindi ko man alam kung paano umarte si Dingdong, nakita ko naman yung potential niya sa pag arte, lalo na pag galit yung role nya sa scene, nakakatakot yung mata niya. Magaling din ang pag ganap niya sa Segunda Mano kaya naman siya ang natanghal na Best Actor sa Metro Manila Film Festival.






Mariella - ang multo sa pelikula na ginanapan ni Angelica Panganiban. Nung una parang nagtataka ako kasi bakit siya naging isa sa bida kung multo lang pala sya, parang mas deserving pa si Bangs Garcia na maging isa sa bida since malaki yung role nya dito. Pero nung nasa middle na ng story don ko narealize na tama lang na maging isa sya sa bida. At para saakin, hindi man siya laging nasa eksena, magaling naman ang pag ka arte niya sa pelikula.


CINEMATOGRAPHY

Maganda ang mga angles at movement ng cam. Tamang lighting. Mas nakakatakot yung effects ng ilaw lalo na pag madilim, isa lang yung light or through candle.


MUSICAL SCORING

Since nakakagulat yung mga scenes, magaling ang sound effects. Nakakadala sa mga taong manonood dahil sa mga sounds and background music.


SETTING

Sa setting, fit naman lahat ng scene dito kasi since nakakatakot, sa bahay palang nila Melba, very old style na kaya nakakatakot, ganun din yung antique shop nya.




Saturday, December 10, 2011

KISAPMATA

Directed By: Mike De leon




Ang istoryang ito ay tungkol sa relasyon ng isang ama sa kanyang anak. Si Dadong Carandang o tinatawag na Tatang sa pelikula at Dely Carandang na tinatawag na Nanang ay ang mga magulang ni Mila Carandang. Si Mila ang nag iisang anak ni Dadong at Aling Dely, kaya naman si Dadong bilang isang ama ay mahigpit nyang pinoprotektahan ang kanyang anak. Walang pumapasang manliligaw kay Mila dahil sa bangis ng kanyang Tatang. Ngunit walang nagawa ang kanyang tatang nung nalaman nyang ang kanyang nag iisang anak ay nagdadalang tao na. Dahil dito nagpasya si Mila na magpakasal kay Noel Manalansan, ama ng kanyang dinadala. Hindi tumutol dito ang kanilang Tatang ngunit kasa kasama sya saan man sila magpunta. Hindi sila makapag desisyon ng sarili dahil ang nagdedesisyon para sa kanila ay ang kanilang Tatang. Di nag laon ay nagpakasal na sila, akala ng mag asawa ay sa wakas mahihiwalay na sila sakanilang Tatang at makapag sasarili na. Ngunit dahil sa sakit ng ina ni Mila, pinakiusapan sila manatili muna sa bahay ni Mila. Ilang araw ang nag daan hindi na kinaya ni Noel, nagpasya syang umalis na doon ngunit hindi sumama si Mila. Pero hndi nag tagal ay hindi narin nakatiis si Mila kaya't tumakas sya sa kanyang Tatang at sumama kay Noel. Umalis sila sa kanilang lugar at nag tigil sa probinsya para makalayo sa kanilang Tatang. Galitna galit ang kanilang Tatang, at nagbanta sya sakanyang asawa na pag hindi bumalik si Mila ay papatayin sya. Kaya't nakiusap si Aling Dely sa ama ni Noel na pabalikin ang mag asawa. Nung bumalik ang mag asawa, para bang ayos na ang lahat ngunit di katagalan ay may sakit na naman si Aling Dely, sa inis ng mag asawa ay nag kasundo sila na kunin ang mga gamit sakanilang bahay at magsasarili na. Ngunit pinigilan sila ng kanilang Tatang, hindi sila nagpapigil kaya naman binaril ni Dadong ang kanyang asawa, kasunod si Noel, si Mila at ang kanyang sarili.



ABOUT THE STORY


Honestly, bilang isang manonood hindi ko nagustuhan ang ending ng story, kasi from the start hindi na nga maganda tapos ang ending mamatay lang din pala sila lahat. Kung baga habang pinapanood ko nag iintay ako ng happy ending na magiging mabait si Tatang then mangangnak si Mila tapos magiging happy family sila pero hindi pala. Tska medyo mabagal yung progress ng story, yung focus talaga ng story is kay Mila at Dadong lang. Una parang hindi ko magets kung bakit takot na takot si Aling Dely at Mila kay Dadong kasi sa pinapakita naman sa story nung eh mabait at mahal na mahal naman nya ang kanyang anak, nakakatkot lang mag salita. Kaya nag hahanap ako ng scene kung binubugbog nya ba yung asawa nya or anong malupit na ginagawa nya kay Mila. Pero nakita din naman sa kalagitnaan ng story. Actually first time ko makapanood ng ganitong klaseng Filipino movie na worst ang start and mas worst ang ending. Kasi usually kung hindi love story, comedy or horror. Ang maganda sa pagkagawa ng story is parang unique siya kasi kung 1st time mo lang papanoorin tong movie and d mo alam kung plot ng story aabangan mo talaga kung ano yung susunod kung baag hindi mo mahuhulaan agad kung maganda ba or pangit ang ending.



CHARACTERS





Dadong Carandang - Magaling ang pag arte ni Dadong sa Pelikula, bagay sakanya yung role bilang isang retired police at strict dad. Sa una hindi mo malalaman kung talagang nakakatakot talaga sya though sa kilos nya at kilos ng mga kasama niya sa bahay ay katakot takot siya. Magaling ang pag bibitaw nya ng mga words at parang totoo. Dahil may mga tatay talaga na ganoon ang kilos lalo na kung over protective sa anak atsaka andoon talaga ang pride bilang isang Ama.



Aling Dely - Hindi ganoon kabigat yung role ni Aling Dely sa movie pero mahusay din ang pag kakaarte nya dito bilang isang nag titiis at takot na takot sa kanyang asawa. Effective ang kanyang pag arte kasi habang pinapanood ko yung movie naawa ako sakanya, gusto kong labanan nya ang asawa nya at iwanan nya.



Mila - Pang 2nd time ko na ata itong mapanood si Charo Santos sa Pelikula nung bata pa sya. And for me magaling syang actress. Hindi man napakita dito yung heavy drama or iyakan talaga pero sa mga kilos galaw at salita niya, kitang kita yung hinanakit niya sa Tatang niya. At fit din sakanya yung role. Medyo naging weak lang yung role nya dito kasi hindi nya nalaban yung Tatang nya para sa freedom nilang mag asawa.


Noel - Hindi ko masyadong nagustuhan ang pag arte ni Jay Ilagan dito bilang si Noel. Lalo na yung part nung sinubok niyang ilayo na si Mila at nag kabanggan sila ni Dadong, natawa ko sa pag takbo niya at pag iyak sa gate, parang ewan kasi yung movements nya haha! Pero nevertheless maayos naman ang pag arte niya sa ibang scene.



CINEMATOGRAPHY


Hindi ako masyadong maalam sa cinematography ng movie pero napansin ko lang eh maayos yung camera, hindi ganun kagulo kung baga very basic, hindi masakit sa mata or hindi nakakahilo kasi hindi papalit palit yung angles. And maganda yung mga panning ng camera especially pag naglalakad or aakyat sa room yung actor, maayos yung paaning at hindi shaky kahit na luma na yung film maayos at maganda nilang nagawa yun. Sa lighting naman, though may mga madidilim na part maganda parin yung pagkakalagay at pag kakapwesto ng mga lights. At pag outdoor naman yung scene kitang kita yung pag kanatural ng light na galing sa araw. Wala naman akong napansin na mga against the light kaya okay naman.


MUSICAL SCORING


Sa music and sound effects naman for me kulang na kulang. Masyadong plain yung mga scenes at tahimik masyado kasi walang background music or any sound effects. Napansin ko lang din yung mga pag bukas at pag sarado ng pinto e minsan walang sounds, even foot steps may mga scene na pag aakyat ng hagdan eh kahoy yung hagdan so dapat kahit papano maririnig yun especially pag sobrang tahimik ng scene. Yung mga scene naman na may background music for me okay naman though oldies syempre dati pa yun pero maganda naman simple lang pero maganda at naayon naman sa scene.


SETTING

Since luma na yung film, tugma naman sa date and time yung mga scenes. Mejo tipid yung film pag dating sa venue ng shoot kasi mostly sa bahay ni Mila lang umiikot yung story. Sa kwarto, sa sala at sa dining table. May mga scenes din sa bahay ni Noel at sa province na pinag stayan nila. Maayos naman at tama lang sa scene yung mga bawat setting na nagamit.