Wednesday, January 4, 2012

SEGUNDA MANO

Directed By: Joyce Bernal





Nagumpisa ang story na ito sa mag asawang si Ivan at Mariella. Kung saan pinakita dito nainiwan ni Mariella si Ivan. At doon pumasok si Mabel sa istorya na nakilala ni Ivan. Sa kabilang banda, si Mabel ay isang simpleng babae na may ari ng shop na ang binebenta ay yung mga antigo na gamit. Ganun din ang kanyang kaibigan, mga girly stuff na second hand naman ang binebenta. Nung nagkakilala si Mabel at Ivan sa di kalatagalan ay nagkaroon sila ng relasyon. Si Ivan ay may isang anak na babae kay Mariella. Hindi gusto ng bata o si Angel na anak ni Ivan si Mabel, dahil bata pa, ang hinahanap ay yung tunay nyang ina. Hindi alam ni Mabel kung anong nangyari sa asawa ni Ivan, dahil ayaw nya itong pag usapan. Sa di katagalan, nadiskobre ni Mabel na si Mariella ay patay na. At nagmumulto ito sa kanila. Hanggang sa bahay nila. Dahil yung nabiling bag at dress ni Mabel ay kay Mariella pala. Dahil dito ninais ng makipag hiwalay ni Mabel kay Ivan dahil hindi sila tinatantanan ni Mariella. Pati ang sasakyan na nabili ng kaibigan ni Mabel ay kay Mariella pala. Kaya’t minaneho ito ni Mabel at dinala sya ng nagmumultong si Mariella sa tabing ilog, kung saan nakita nya ang nangyari sa kanila ni Ivan. Si Mariella ay may karelasyong lalaki at nakita ito ni Ivan kaya’t pinatay niya ang lalaki kasunod si Mariella. Natakot si Mabel sa kanyang nakita ng biglang tumawag si Ivan at sinabing nasa bahay na niya ang nanay ni Mabel. Agad siyang pumunta sa bahay ni Ivan, at dito na nagyari na papatayin na ni Ivan si Mabel at ang kanyang ina. Mabuti na lamang at tinulungan sila ni Mariella at doon namatay si Ivan. Pinakita na rin dito na si Mariella pala ay ang nalunod na kapatid ni Mabel dati na sa Marie.


ABOUT THE STORY

Nagtataka ako kung bakit walang nakuhang award ang segunda mano, kasi for me, maganda ang story. Hindi ito basta bastang nilahad dahil maganda ang pagkakalapat ng story. Kasi maraming flash back na naka gulo sa isip ng mga manonood. Flash back kay Mariella, flash back ni Ivan kaya sya naging ganoon ka obsessed at nagkaroon sya ng trauma. Flash back sa kapatid ni Mabel na si Marie noon. Marami at maganda dito hindi agad agad nahulaan ng mga tao kung ano yung magiging ending.


CHARACTERS



Mabel - Ginanapan na role ni Kris Aquino. Una hindi ako masyado napahanga sa character ni Kris dito, kasi napaka plain at simple nya na parang pale yung dating nya para saakin. Parang hindi ako sanay kasi every time na nakikita ko sya sa tv, full make-up, accessories, high heels, at magandang dress ang madalas nyang soot. And the way she speal, medyo maarte at may katarayan. Ibang iba sakanya yung character nya dito pero ganun pa man, napanindigan niya naman ito hanggang sa huli.





Ivan - O si Dingdong Dantes. Hindi ko man alam kung paano umarte si Dingdong, nakita ko naman yung potential niya sa pag arte, lalo na pag galit yung role nya sa scene, nakakatakot yung mata niya. Magaling din ang pag ganap niya sa Segunda Mano kaya naman siya ang natanghal na Best Actor sa Metro Manila Film Festival.






Mariella - ang multo sa pelikula na ginanapan ni Angelica Panganiban. Nung una parang nagtataka ako kasi bakit siya naging isa sa bida kung multo lang pala sya, parang mas deserving pa si Bangs Garcia na maging isa sa bida since malaki yung role nya dito. Pero nung nasa middle na ng story don ko narealize na tama lang na maging isa sya sa bida. At para saakin, hindi man siya laging nasa eksena, magaling naman ang pag ka arte niya sa pelikula.


CINEMATOGRAPHY

Maganda ang mga angles at movement ng cam. Tamang lighting. Mas nakakatakot yung effects ng ilaw lalo na pag madilim, isa lang yung light or through candle.


MUSICAL SCORING

Since nakakagulat yung mga scenes, magaling ang sound effects. Nakakadala sa mga taong manonood dahil sa mga sounds and background music.


SETTING

Sa setting, fit naman lahat ng scene dito kasi since nakakatakot, sa bahay palang nila Melba, very old style na kaya nakakatakot, ganun din yung antique shop nya.




No comments:

Post a Comment