Ano nga ba ang kingpin? Sa pag kakaalam ko, marami ang kahulugan ng kingpin, pero dalawa dito ay alam ko. Sa tao at yung tinatawag sa bowling. Yung mga bowling pins na nakahelera pa tatsulok sa dulo atsaka patatamaan ng bola. Ang kingpin doon ay yung pinaka una or head of the bowling pins. Pag siya ang natumba maaring tumba na ang lahat kaya naman siya ang tinatawag na head. At kung isasa tao ang kahulugan ng kingpin, siya ay yung pinaka importante sa isang grupo o organisasyon. At iyon si Asiong Salonga, ang tinatawag na hari ng Tondo.
Hindi ko alam ang tungkol kay Asiong Salonga, actually never heard sakin ang pangalan na ito. Kaya naman curious ako bago ko panoorin ang pelikulang ito. Hindi ako fan ng mga action movies local man or international, wala kasi akong hilig sa ganitong genre ng pelikula. Pero dahil sa daming awards na nahakot ng pelikulang ito, medyo nexcite akong panoorin.
- Best Picture
- Best Director
- Best Supporting Actor
- Best Screenplay
- Gatpuno Villegas Cultural Award
- Best Cinematography
- Best Original Theme Song
- Best Musical Score
- Best Sound Recording
- Best Editing
- Best Production Design
Sa tingin ko deserve naman nila ang lahat ng awards na nakuha nila. Pero sa dami nito halos lahat ng taong nanood at manonood palang ay nag nageexpect at nag expect na sobrang ganda ang movie na ito. Technically maganda talaga, sa cinematography palang, dahil luma ang setting nila ginamit din nila ang kulay na puti at itim sa buong pelikula. Ang kagandahan dito kahit na b&w ang kulay na ginamit nila, maganda ang kinalabasan nito. Very sharp yung mga kuha. Hindi ko lang alam kung sadya o style ba yung pag shake ng cam paminsan. Siguro dahil old style since ganoon naman dati kaya shaky. Humanga ako sa mga effects nila, especially yung scene na may smoke ng sigarilyo, talsik ng tubig pati na rin ung mga lighting nila na gamit ay sunlight. At talagang nakakadala yung mga sound effects, lalo na sa mga putok ng baril, talagang yung bawat tunog ay buong buo kaya naman nakakapukaw din ng atensyon. Nagustuhan ko ang character ni Asiong dito o yung gumanap bilang si Asiong. Dahil magaling ang pag kaka arte niya para saakin, yung tindig niya, yung pag bitaw niya ng mga salita, yung gestures niya ay bagay na bagay bilang isang kingpin ng tondo. Ganoon din ang iba pa niyang kasama katulad ni Baron Geisler bilang si Erning, nainis ako sakanya dahil hindi siya tapat sa grupo niya. Nainis ako kaya naman masasabing effective din ang pag arte niya dahil bilang isang manonood naapektuhan ako. Maganda, maayos at magaling ang karamihan sa pag gagawa ng pelikulang ito ngunit may isa akong hindi nagustuhan. Yon ay ang pag kakalapat ng istorya. Hindi maayos ang facing ng story kaya naman parang magulo kung papanoorin. Para saakin hindi magaling ang gumawa ng storyline nito. Pero bukod doon maganda naman ang lahat.


No comments:
Post a Comment